DA-Calabarzon 3Q Meet, idinaos

DA-Calabarzon 3Q Meet, idinaos

BATANGAS City — Idinaos dito kamakalawa ang 3rd Quarterly Meeting ng Department of Agriculture (DA)-Calabarzon kung saan tinalakay ang mga tampok na programa ng kagawaran para sa produksyon ng palay, mais, high-value crops, organic crops, at livestock, sa Provincial Demonstration Farm ng Batangas Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) sa Bolbok, Lungsod ng Batangas. Layunin ng pagpupulong na bigyang-diin sa mga kawani ng mga local government units ang pagpapatupad ng mga naaayong hakbang — kaugnay ng kasalukuyang New Normal na dulot ng COVID-19 pandemic — sa pakikisalamuha at pagdadala ng mga proyekto at aktibidad ng pamahalaan sa mga magsasaka, mangingisda at mga naghahanapbuhay sa sektor ng agrikultura. Bilang frontliners, nais ng DA na maisakatuparan ang mga programang ito upang masiguro ang walang patid na food supply sa bansa, sa kabila ng mga bantang pangkalusugan. Ang pulong ay pinangasiwaan ng DA–CALABARZON sa pangunguna ni Regional Executive Director Arnel De Mesa at Batangas OPAg, sa pangunguna ni Engr. Pablito Balantac, na dinaluhan ng mga city at municipal agriculturists. (PIO, Batangas Province) (IA/DS)

Leave a Reply