Russian President Vladimir Putin etsapwera sa ’21 Tokyo Olympic Games

Russian President Vladimir Putin etsapwera sa ’21 Tokyo Olympic Games

MANILA — Isa man sa tinaguriang superpower na bansa sa mundo, mukhang tablado ang personahe ni Russian President Vladimir Putin at kanyang mga alipores na masilip ang 2021 Tokyo Olympics.

Ito’y matapos na magdesisyon ang World Anti-Doping Agency (WADA) bilang parusa sa Russia sanhi nang pagmanipula ng mismong gobyerno sa kanilang Moscow Laboratory data ng mga atleta.

Kasama sa pag-ban ng gobyerno ni Putin ay ang pagwagayway ng bandila at kanilang national anthem sa Tokyo Olympics.

Hinati ng Court of Arbitration for Sport (CAS) ang four-year period ban na ipinataw ng WADA.

Tanging Russian athletes na nakasunod sa dapat na kriterya ang papayagan sa kompetisyon bilang neutrals sa events kabilang ang Tokyo 2020, Beijing 2022 at 2022 FIFA World Cup sa Qatar –kapag makuwalipika ang bansa batay sa pasya ng CAS.

Nagdesisyon din ang CAS na hindi puwedeng mag-host ang Russia o mabigyan ng tiket na magsagawa ng malalaking event sa loob ng dalawang taon habang ipinapatupad ang parusa at alisin din sa anumang World Championships na lalarga ngayon hanggang sa December 16, 2022 “unless it is legally or practically impossible” na magagawa.

Isang opsyon lang ang maaring magagawa ni Putin at iba pang government officials gaya ni Sports Minister Oleg Matytsin para makadalo sa naturang pinakamagarbong okasyon sa mundo ng palakasan: Iyan ay kung maiimbitahan sila ng host country.

Ang pahayag ay hindi senyales ng pagwawakas ng protracted Russian doping scandal, gayunman nasa kamay na ng International Olympic Committee (IOC) and International Federations na ma-implementa ang desisyon agad- agad.

Nagpalabas noong nakaraang Disyembre ang WADA ng four-year package of punishments sa Russia matapos madiskubre sa Moscow Laboratory na tampered at minanipula.

“This panel has imposed consequences to reflect the nature and seriousness of the non-compliance [to the World Anti-Doping Code] and to ensure that the integrity of sport against the scourge of doping is maintained,” sa pahayag ng CAS . (AI/MTVN/EM)

Leave a Reply