2nd frigate ng Navy aprubado ng inspection team

2nd frigate ng Navy aprubado ng inspection team

MANILA — Aprubado na ng Philippine Navy ang Technical Inspection and Acceptance Committee (TIAC) ​​ang pangalawang frigate na binili, ang BRP Antonio Luna (FF151), matapos personal na masaksihan sa aksyon ang sea acceptance trials (SAT) kasama na ang mga serye ng demonstrasyon na may kakayahan sa pakikidigma, nitong Disyembre 14 – 18, 2020 sa baybayin ng Ulsan, South Korea.

“FF151 is 95 percent complete at this time. All machineries and combat systems were subjected to test procedures as stipulated in the contract and were observed to be working properly. More importantly, I’m happy to announce that FF151 passed the prescribed standards and procedures,” masayang pahayag ni Rear Admiral Alberto B Carlos, pinuno ng Navy’s TIAC.

“Upon completion of this week’s SAT, the completion rating is almost 100 percent, which will pave the way for FF151’s re-docking and final outfitting prior delivery early next year,” dagdag niya.

Ginawa ng Hyundai Heavy Industries (HHI) ng South Korea, ang FF151 ay isang modernong pandigmang pandagat na may kakayahan sa surface, sub-surface, air , at electronic warfare gamit ang state-of-the-art electronic sensors, long range missile, acoustic guidance torpedoes, at isang anti – submarine helicopter.

Inaasahang ihahatid mula Korea at itu-turnover ang naturang frigate sa Pebrero ng susunod na taon. Ang unang frigate, BRP Jose Rizal (FF150), ay naideliber na at kinomisyon para magamit ng Navy noong Hulyo 10 ngayong taon.

“Hyundai is very thankful to the Navy TIAC for agreeing to travel to Korea to do the required pre-delivery tests, despite the COVID-19 pandemic, in order for HHI to meet the contractual delivery deadline of not later than March 2021,” ani HHI project manager BK Kang. (AI/FC/MTVN/EM)

Leave a Reply