Bagyong Vicky nasustena ang lakas

Bagyong Vicky nasustena ang lakas

MANILA — Namentina ng tropical depression “VICKY” ang kanyang lakas habang kumikilos pakanluran diretso sa northern -central portion ng Palawan, ayon sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA, alas- 11 ng umaga, Disyembre 19, 2020.

Ang mga lugar na makakaranas ng malakas na hangin sa ilalim ng Cyclone Wind Signal (TCWS #1) ay may malakas na simoy ng hangin hanggang sa near gale conditions habang tinatahak ng tropical cyclone.

Masamang kondisyon ng panahon ang inaasahan din sa halos kabuuang bahagi ng Luzon at Visayas na wala sa ilalim ng TCWS (lalo na sa mga baybayin at bulubunduking lugar) dulot ng daluyong (surge) ng Northeast Monsoon (amihan).

Ngayon: Katamtaman hanggang malakas na pagbuhos ng ulan sa lugar ng CALABARZON, Bicol Region, Eastern Visayas, Isabela, Aurora, Marinduque, at northern at central portions ng Palawan kasama ang Calamian, Cuyo, at Cagayancillo Islands. Bahagya hanggang katamtaman at minsa’y malakas na pag- ulan sa mga probinsya ng Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Metro Manila, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Camiguin, Misamis Oriental, at buong mainland ng Cagayan Valley, Central Luzon, at MIMAROPA.

Weather forecast bukas

Bukas, Linggo. Dec 20, inaasahan ang malakas na ulan sa Bicol Region, Quezon, Aurora, Isabela, Quirino, at Nueva Vizcaya.

Katamtaman hanggang sa malakas na ulan sa Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Oriental Mindoro, Kalayaan Islands, at buong mainland ngv Cagayan Valley. Mahina hanggang sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Metro Manila, Eastern Visayas, Bulacan, Dinagat Islands, at kabuuan ng Cordillera Administrative Region, CALABARZON, at MIMAROPA.

Inaasahang kikilos ang bagyong“VICKY” sa west-northwestward ng Sulu Sea at magla-landfall sa bisinidad mf northern o central portion ng Palawan ngayong gabi. Tinatayang lalabas ang tropical depression sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas ng hapon o gabi. Sa forecast, mananatili ang tropical depression ‘Vicky’ habang palabas ng bansa.

Gayunman, kapag umabot na sa West Philippine Sea, si “VICKY” ay na-forecast na magiging tropical storm. (AI/MTVN/EM)

Leave a Reply