Matet de Leon gigil na sa mga pakialamera sa kanilang pamilya

Matet de Leon gigil na sa mga pakialamera sa kanilang pamilya

Ni Kakay Legarda

Hindi pa rin tapos ang patutsadahan sa pagitan ng mga anak ni Nora Aunor at mga taong nagbibigay komento hinggil sa nabulilyasong pa-birthday party ng Superstar sa kanyang biological son na si Ian De Leon.

Hindi nagustuhan ni Matet de Leon ang komento ng isang netizen na nag-post ng ganito: “Sana kayo na lang gumawa ng paraan kausapin nyo mama in private.”

Sagot ni Matet: “kausap namin siya nung isang araw. walang makakaalam kung anong pinag usapan namin..icha chat ko uli mamaya, wala uli makaka alam kung anong pag uusapan.. amin lang kasi to. at dahil ang daming alam alaman na nakikialam, lalong nagugulo.. hindi kami ang naglabas nito sa publiko, sumabog na lang kaya sumasagot na kami.”

Matatandaang hindi dumalo si Ian sa birthday party na inorganisa ni Nora para sa kanya matapos may hilingin ang huli na ikinadismaya ni Ian.

Umani ito ng batikos sa mga fans ni Guy ngunit agad naming ipinagtanggol si Ian ng mga kapatid na sina Lotlot de Leon at Matet.

“Ang hiling ko lang sa birthday ko ay maging Nora Cabaltera Villamayor ka, hindi ‘yung Nora Aunor. Gusto ko maranasan ng mga apo mo ‘yung pagmamahal na puwede mong i-share. Gusto ko makasama mo sila habang may lakas pa tayo,” sabi naman ni Ian.

Leave a Reply