PH women’s football squad umakyat sa 2020 rankings

PH women’s football squad umakyat sa 2020 rankings

Ni Kyle Encarnacion

MANILA — Kahit may pandemya, tuloy pa rin ang tagumpay ng Philippine Women’s National Football Team matapos umakyat ang koponan sa ika-65 puwesto sa final FIFA Women’s World Rankings para sa 2020.

Tumalon din ang women’s team sa dalawang spots sa Asian rankings patungong ika-11 puwesto dala ang kabuuang 1,369 puntos. Panglima naman ang koponan sa AFF at Southeast Asia.

Nanatili naman ang USA sa unang puwesto sa pagtatapos ng 2020 sa global standings sa tulong ng pinakamataas nilang points total sa nakalipas na anim na taon. Kasunod ng world champions ang Germany (2nd) at France (3rd).

Pitong bansa din ang nakapagtala ng pinakamataas na naabot na puwesto sa 2020 na binubuo ng Slovenia (48th), Northern Ireland (49th), Fiji (64th), Philippines (65th), Cuba (81st), Gambia (104th) at Comoros (139th).

Ang biggest point gainer ay Malta na +37 at biggest increase in places din ang Malta at Kosovo (+16).

Ang biggest point loss ay ang Scotland (-42) habang pinakamalaking binaba sa puwesto ay ang Belarus (-3). (AI/FC/MTVN)

PH women’s football team

Leave a Reply