Senator Villar pinarangalan ang mga winner sa 15th Las Pinas Parol Festival

Senator Villar pinarangalan ang mga winner sa 15th Las Pinas Parol Festival

MANILA — Pinangunahan ni Senator Cynthia A. Villar ang paggawad ng mga nanalo sa idinaos na 15th Las Pinas Parol Festival, Sabado sa Las Pinas City.

Naging commitment na ni Villar ang maidaos ang taunang parol-making competition bilang suporta sa industriya ng paggawa ng mga parol sa lungsod sa kabila ng nararanasang pandemya.

“I commend all our participants who, despite the challenging circumstances brought about by COVID-19, have continued to pursue their passion in creating unique and environment-friendly parols that make Las Pinas lanterns stand out among the rest,” pahayag ni Villar.

“I am truly proud that we have once again risen up to the challenge of honoring our annual tradition and spread holiday cheer and hope this season.”

Nanguna si Villar sa virtual awarding ceremonies sa Villar SIPAG (Social Institute for Poverty Alleviation and Governance) Hall.

Ang mga winner ngayong taon ay sina Grand Prize winner Bryan Flores, na nag-uwi ng Php20,000 cash prize; 1st Runner Glecy Dela Cruz, Php15,000; at 2nd Runner up Fercival Santos, tumanggap ng P10,000.

Ang kompetisyon ay bahagi ng adbokasiya ni Senator Villar nai-promote ang garbage recycling at epesyenteng solid waste management. Ang mga entry mula sa Samahang Magpaparol ng Las Pinas ay gumamit ng recyclable materials tulad ng shampoo sachets, soap cartons, straws, pet bottles, cans, used cds, at corrugated cartons, gayundin ng mga organic items gaya ng talaba at tahong shells.

“Now on its 15th year, this Parol Festival is our way of raising awareness on the importance of recycling. Participants made use of trash and other recyclable items, so they don’t end up clogging our waterways that result to flooding especially during the rainy season,” ani pa Villar.

Kinukunsidera ngayon ang lungsod bilang parol-making capital ng NCR. (FC/MTVN/EM)

Leave a Reply