Smartmatic pa rin sa 2022 nat’l elections – Comelec

Smartmatic pa rin sa 2022 nat’l elections – Comelec

MANILA – Smartmatic pa rin.

Sa kabila nang mga kontrobersiyang bumalot sa Smartmatic Corp.-Total Information Management Corp. (Smartmatic-TIM), sila pa rin ang napili ng Commission on Elections (Comelec) para gamitin ang halos 100,000 vote-counting machines (VCMs) sa pambansang halalan sa taong 2022.

Naipanalo ng Smartmatic-TIM ang bidding para sa proyektong pinondohan ng P660.741-million ng Comelec para ayusin ang kanilang mga VMC matapos diniskuwalipika ng Special Bids and Awards Committee-Automated Elections Systems ng Comelec ang isa pang bidder, ang Pivot International Inc.-Power Serve Inc. (PII-PSI).

Pinakita ng Comelec ang mga dokumento na ang bid ng PII-PSI ay may presyong P490 million, ngunit diniskuwalipika dahil hindi nakadetalye ang ispesipikong presyo ng cleaning sheets at SD cards, at marami pang iba.

Dumaloy ang kontrobersiya sa Smartmatic dahil sa ilang pagkakataon, napabalitang ang kanilang VCMs ay nire-reject ang mga balota, pagkaantala sa transmission at over-voting noong May 2019 elections.

Maging si President Rodrigo Duterte ay binira ang Smartmatic noon.

Iminungkahi rin ng Smartmatic ang direktang recording electronic voting machine sa paglalagay ng touchscreen para sa 2022 elections.

Anila, ang touchscreen-based system isang uri ng teknolohiya na nakakabasa para maiwasan nito ang overvoting. (AI/MTVN/EM)

Leave a Reply