Yorme Isko nag-abot ng tulong sa mga pamilyang nasunugan sa Paco

Yorme Isko nag-abot ng tulong sa mga pamilyang nasunugan sa Paco

Binisita nina Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna at hinatiran ng kaunting tulong ang pamilyang nasunugan ng bahay sa Paco kamakailan na ngayo’y pansamantalang nanunuluyan sa Manuel A. Roxas High School.

Kasama ang mga konsehal ng Distrito V na sina Laris Borrome, TJ Hizon, Boy Isip, Charry Ortega, Irwin Tieng at Mon Yupangco, namahagi si Domagoso ng tig-P10,000 sa bawat pamilyang naapektuhan ng sunog.

Pinasalamatan din ni Mayor Isko si Manila Department of Social Welfare Director Re Fugoso at kanyang mga tauhan sa pagtiyak na maayos na matutulugan at may sapat na pagkain ang lahat ng mga apektadong pamilya na nasa evacuation center. (AI/FC/MTVN)

KIARA LAUREN IBANEZ/BENJAMIN CUARESMA

Leave a Reply