2 drug pusher tiklo sa Navotas Police

2 drug pusher tiklo sa Navotas Police

ARESTADO ng mga operatiba ng Navotas City Police Drug Enforcement Unit ang dalawa umanong tulak ng droga na sina Enrique Corporal 34, at Christopher Rosal, 42, sa ikinasang drug buy-bust operation sa Bagong Kalsada St, Brgy. Tangos South, Navotas City.

Nakuha ng mga pulis sa mga suspect ang 9.7 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P65,960. Ang dalawa’y mahaharap sa kasong paglabag sa Sec 5 (Selling of Dangerous Drugs) and Sec 11. (Possession of Dangerous Drugs), Article 2, ng Republic Act No. 9165. (FC/MTVN)

AJ RABULAN / BENJAMIN CUARESMA

Leave a Reply