Bagyong Vicky lalayas na matapos manalanta

Bagyong Vicky lalayas na matapos manalanta

A flooded area in Lianga town, Surigao del Sur, courtesy of typhoon Vicky.

Brenda L. del Rosario

MANILA — Papalabas na ngayong Linggo ng hapon ang Tropical Depression Vicky sa Philippine Area of Responsibility at inaasahan na mananatili ito bilang tropical storm status sa susunod na 24 oras.

Ayon sa pinakahuling bulletin ng Philippine Atmospheric Geophysical and Science Administration (PAGASA), huling namataan ang Bagyong Vicky sa 135 km East Southeast ng Kalayaan, Palawan dakong 10 a.m.

Kumikilos ito sa bilis na 55 kilometro kada oras na may lakas ng hanging 70 kph at kumikilos west northwestward sa bilis na 35 kph.

“After exiting the PAR, Vicky will turn towards the southwest as it comes under the full influence of the surge of the Northeast Monsoon,” ulat ng PAGASA.

Kasama si Vicky sa mga huling bagyo na daraan sa bansa bago matapos ang taong 2020.

May 22 bagyo ang tumama sa bansa kasama ang Bagyong “Ulysses” na nag-iwan ng mahigit 100 patay at bilyong halaga ng mga nasalantang pangkabuhayan.

Katamtaman hanggang sa malakas at manaka-nakang ulan ang magaganap sa Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Aurora, Quezon, Bicol Region at Kalayaan Islands dulot ng pinagsamang epekto ng Bagyong Vicky at Tail-end ng frontal system. Makararanas naman ang Metro Manila ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan pati na rin ang Babuyan Islands, CAR, Central Luzon, CALABARZON at MIMAROPA.

Nagbabala naman ang PAGASA sa malakas na hangin mararamdaman sa Kalayaan Islands sa pagdaan dito ng Bagyong Vicky. (AI/MTVN)

Leave a Reply