Bakbakang militar at  NPA  sa CARAGA isa patay

Bakbakang militar at NPA sa CARAGA isa patay

PROSPERIDAD, Agusan Del Sur – Isa pang Communist NPA Terrorist (CNT) ang namatay habang lima pang (5) matataas na kalibre ng armas ang nasamsam sa isang oras na engkuwentro sa pagitan ng 3rd Special Forces “Arrowhead” Battalion (3SFBn) troops sa ilalim ng 4th Infantry Diamond Division.

Tinatayang may 30 Communist NPA Terrorists sa Sub-Regional Sentro De Grabidad (SRSDG) Southland, Northeastern Mindanao Regional Committee ang nakasagupa ng tropa ng militar.

Pinamunuan ni Rizaldy Sumonod alias “Mansoy” sa panig ng mga rebelde sa madugong engkuwentro nito kontra sa tropa ng pamahalaan sa  Sitio Paradise barangay Magsaysay, Agusan del Sur noong December 18 bandang 12:18 ng tanghali.

May limang (5) high-powered firearms diumano ang narekober pati na ang tatlong  (3) M16,  5.56 caliber rifles, at isang  (1) AK-47 rifle ng mga sundalo.

Maliban riyan, narekober din ang iba pang war materials, isang (1) IHL-banned anti-personnel land mine, siyam  (9) rounds 40mm M203 grenade launcher ammos, fifty (50) rounds 7.62mm M60 ammos, dalawang (2) sets ng commercial radios,  15 backpacks at kagamitang personal, medical supplies at equipment, 3 keypad cellular phones, 1 touch screen android phone, at 20 meters electrical wire.

Samantala,  hindi pa inirelis ng sundalo ang pagkakilanlan ng nakasagupa at napatay na NPA terrorist, na anila’y kailangang pang beripikahin.

Ang nadiskubreng kuta ng  CNT ay may 200 square meters (10mx20m) na makakapag- accommodate ng  30 CNTs at may 15 makeshift tents at kitchen paraphernalia.

Sa pagsisikap ng  National Task Force in Ending Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay nalantad ang iskima at  malawakang sabwatan  ng CPP-NPA-NDF sa iba’t ibang sektor ng  lipunan, mamayanbsa CARAGA, partikular na ang Indigenous Peoples (IPs), ay nangangakong hahabulin ang Communist NPA Terrorists at kanilang front group leaders gaya ng  Malahutayong Pakigbisog Alang sa Sumusunod (MAPASU) para wakasan ang kanilang ‘di na mabilang na mga kalupitan at krimen laban sa mga tao.

Matatandaang si CNT Jevilyn Cullamat, anak ng Kinatawan ng Bayan Muna na si Cong. Eufemia Campos Cullamat, at nangungunang lider at tagapagsalita ng CNT ng National Democratic Front (NDF) Mindanao at Komisyun Mindanao (KOMMID) na si Alvin Loque, ay sinapit ang kaparehong trahedya noong Nobyembre 28 at Disyembre 10  sa Surigao Del Sur bilang resulta ng maigting na pagmamanman  at pangangalap ng impormasyon sa IP communities ng kasundaluhan. (AI/MTVN/EM)

Leave a Reply