Doris Bigornia bingo na kay Celine Pialago; sasampahan na ng kaso

Doris Bigornia bingo na kay Celine Pialago; sasampahan na ng kaso

Doris Bigornia and Celine Pialago (Philnews)

Ni Brenda del Rosario

MANILA — “This time kapag dinemanda kita, tutuluyan kita Miss Doris Bigornia. Isasama ko yung pagsugod mo sa opisina ng MMDA para awayin ako, uulitin ko, pumasok ka sa opisina namin, sa sarili naming tahanan, para awayin ako, ganun ka ka adik. Maghintay ka.”

Ito ang mensahe ni MMDA Spokesperson Asec Celine Pialago dahil sa umano’y kulang-kulang na traffic report ng beteranang news reporter na si Doris Bigornia ng ABS-CBN. Hinggil ito sa binuksang u-turn slots sa may Balintawak, Quezon City.

Post pa ni Pialago sa kanyang FB account: “Umere naman ito noong Miyerkules pero laganap ang mga taong pilit na sisirain ang iyong trabahong makapaghatid ng tamang impormasyon. Kaya mas mainam siguro na ipost ito ulit para maging maliwanag at para na din sa kaligtasan ng ating mga motorista.”

Sa screengrab ni Pialago, mababasa kung saan dapat gamitin ang dalawang u-turns: (1) ang sa may Darrio Bridge para lamang sa emergency vehicles habang ang sa (2) Quezon City Academy ang “light vehicles.”

Nagalit si Pialago sa umano’y kulang na ulat ni Bigornia sa episode ng Kapamilya news prime na TV Patrol noong gabi ng December 18, 2020.

Ayon kay Doris nagdulot ng kalituhan ang pagbubukas ng mga nabanggit na U-Turn slots. Aniya u-turn lang sa may QC Academy ang binuksan sa mga motorista at for emergency use lang ang u-turn sa Darrio Bridge.

Ininterbyu rin ni Doris si MMDA EDSA Traffic Management Czar Bong Nebrija hinggil dito na sumagot na kahit sila ay nalito rin daw dahil hindi naman binuksan ang Darrio Bridge.

Taliwas naman ito sa ibinigay na mensahe ni Pialago sa Viber group chat. Ipinakita sa screen ang mensahe ni Pialago na 6 a.m. ng Biyernes bubuksan ang U-turn slots sa Dario Bridge at QC Academy.

Pero ayon kay Pialago, hindi kasali sa report ang huling Viber message niya na nagdedetalye kung anong vehicles ang maaaring dumaan sa dalawang U-turn slots.

Dahil sa nangyari, muling naungkat ang “banggaan” noon nina Doris at Celine kung saan pormal na nagreklamo ang huli kay ABS-CBN News division head na si Ging Reyes laban sa reporter.

Inireklamo ni Pialago si Doris dahil sa pisikal na pananakit at paninigaw nang di sinasadyang mabangga nito ang huli sa isang fire drill sa Makati City Hall.

Nabalitaan din ni Pialago na sinisiraan siya ni Doris. Nagtangka silang pagbatiin ni MMDA General Manager Jojo Garcia ngunit tumanggi ang reporter.

Nang magsampa ng reklamo sa Office of the Network Ombudsman ng ABS-CBN si Pialago, dito na umano gumawa ng paraan si Doris upang humingi ng tawad, umiyak at magmakaawa upang huwag masibak sa trabaho.

“Remember the day, when you begged and asked for forgiveness in Mario’s Restaurant? Asking me to withdraw my case against you? Ang bait bait mo nun, umiyak ka at nagmakaawa. Naghanap ka ng padrino para makausap ako. Tinrato kitang tao. Ang pakiusap ko lang sayo. Tama na Ma’am, basta tama na kamalditahan mo.”

Ngunit dahil sa muling sigalot na nabuo sa kanilang dalawa, hindi na raw ito papalalagpasin ni Pialago na nagsisisi sa ginawang pagpapatawad sa news reporter noon. (AI/MTVN)

Leave a Reply