FLAG-Maharlika Sec-Gen pumalag sa ‘intellectual arrogance’ ni Justice Leonen

FLAG-Maharlika Sec-Gen pumalag sa ‘intellectual arrogance’ ni Justice Leonen

Ang secretary-general ng FLAG-MAHARLIKA na si Edwin Cordevilla habang nilalagdaan nya ang mga dokumento ng kasong impeachment kontra kay SC Associate Justice Marvic Leonen.

Ni Junex Doronio

MANILA —Kinikilala ang pagka-brilyo sa law practice ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen ngunit mabagal naman umano sa paghahatag ng hustisya.

Nitong Linggo, Dec. 20, pumalag sa kanyang pagkadismaya ang secretary-general ng Filipino League of Advocates of Good Governance-Maharlika (FLAG-Maharlika) sa diumanong “intellectual arrogance” ni Leonen sa kabagalan mano nito sa pagresolba sa iba’t-ibang importanteng kaso kasama na ang may apat na bilyong peso rebates na para sana Meralco subscribers.

Sa kanyang panayam kay Paul Gutierrez na pangulo ng National Press Club of the Philippines sa programa nitong Meet the Press, binigyan diin ni FLAG-Maharlika secretary-general Edwin Cordevilla na ang unang kadahilanan ng pagsampa ng impeachment case ng grupo nito laban kay Leonen ay bunsod ng pagnanais maibalik ang tiwala ng tao sa hudikatura at upang mapakinabangan ng daan libong Meralco subscribers and kanilang rebates.

“Palagay namin para maibalik yung respeto at pananampalataya ng ating mga kababayan sa hudikatura e, dapat gawan ng aksyon, (maghain) ng impeachment laban kay Associate Justice Leonen,” pahayag ni Cordevilla.

Aniya pa, minamanmanan ng kanyang grupo ang hindi pagkilos ni Leonen sa maraming kaso na dapat sana’y agad-agad na nareresolba’t nadedesisyunan dahil na rin sa kasabihang: “Justice delayed, is justice denied.”

But alas, “instead of acting swiftly on these cases, what Associate Justice Leonen did was an obstruction of justice,” bulalas ni Cordevilla.

Kanya ring isinawalat ang mahigit 500 netizens na boluntaryong pumirma sa isang online petition na nagpapahayag ng suporta para sa impeachment complaint na inihain kontra Leonen sa Kamara noong Lunes, 07 December 2020.

Sinamahan si Cordevilla ng controversial lawyer na si Larry Gadon sa paghahain ng kaso bilang official legal counsel.

Nakalagay ang lagda ng 500 netizens sa Change.org na inilunsad sa ilalim ng mga katagang “Impeach Justice Marvic for failure to file 15 years of Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) and having most backlog cases.”

Mariin ding pinabulaanan ni Cordevilla ang insinwasyon na ang kanilang pagkilos ay may kaugnayan sa electoral protest ng dating senador Bongbong Marcos laban kay VP Leni Robredo.

“Hindi po kami supporter ni Senator Bongbong. Kung saka-sakali, susuportahan namin si (Senator) Imee (Marcos) for vice (president),” paglilinaw ni Cordevilla.

Iginiit pa ng FLAG-MAHARLIKA Sec-Gen na ang kaso ng dating senador (BBM) ay hindi man lang nabanggit sa kanilang inihain na impeachment complaint sa House of Representatives.

Binasura din ni Cordevilla ang alegasyon na ang FLAG-Maharlika ay nilikha lamang para maghain ng impeachment case kontra kay Leonen.

Nilahad niya na ang FLAG-Maharlika ay may higit walong taon o matagal nang nasa sirkulasyon bilang humanitarian group magmula pa noong 2012.

Sa kabila ng pandemya, sinabi ni Cordevilla na ang kanyang grupo ay nagsasagawa ng iba-ibang socio-civic activities tulad ng rapid testing sa Covid-19 at pagbibigay ng “ayuda” sa malalayong komunidad sa oras ng kalamidad gaya ng Isabela na matinding hinagupit ng bagyong Ulysses kamakailan lang. (AI/MTVN/EM)

Leave a Reply