Katoliko sa SoKor pinababasura ang parusang kamatayan

Katoliko sa SoKor pinababasura ang parusang kamatayan

Ni Tracy Cabrera

SEOUL, SOUTH KOREA — Habang may ilang lider na mga Pinoy ang pinag- iisipan ang pagbabalik ng parusang kamatayan bilang paraan na pagpigil sa mga karumaldumal na krimen, muling binigyan-diin naman ng mga lider ng Simbahang Katoliko dito ang panawagan sa parliyamento na legal na buwagin ang capital punishment bilang bahagi ng pagsasadiwa ng kapanganakan ng Panginoong Hesus – ang pagdiriwang ng Pasko.

Bagamat wala ni isa man pa ang aktuwal na naparusahan sa South Korea mula taong 1997, nanatili pa rin ang capital punishment sa kodigo ng criminal law at ang sentimyentong porma ng Katoliko sa bansa ay muling isinulong habang naghahanda ang mga Koreanong Katoliko para sa selebrasyon ng Christmas.

Ayon sa Korean bishops’ committee for justice and peace at mambabatas na si Fidelis Lee Sang-min ng ruling Minjoo Party, ang panawagan kontra death penalty ay kaakibat ng Pamaskong mensahe ni Pope Francis ‘ ang pagmamahal ng Diyos at pagbibigayan’.

“Today we again in South Korea make the journey from moratorium of death penalty to its legal abolition,” saad ni CBCK committee president Bishop Lazzaro You Heung-sik ng Daejeon.

“Only when the value of human life is respected, the cruelty of humanity can be cured,” dagdag ni You.

“Now it’s time for the National Assembly to answer our calls by presenting a bill to abolish it and passing it.”

Sa naunang pahayag, pinunto ni National Assembly speaker Chung Sye-kyun na, “some say capital punishment should be maintained to counterpart the ever-ferocious crimes in our society.”

Bagamat, nilahad ni Chung, na susubukan ng National Assembly ang lahat para ma-abolish sa proseso ng constitution revision at bill deliberation ang nasabing batas. (AI/MTVN/EM)

Leave a Reply