MAHIGIT 200 LAW DEANS AT PROFESSORS BULAG SA KATOTOHANAN!

MAHIGIT 200 LAW DEANS AT PROFESSORS BULAG SA KATOTOHANAN!

Makikita sa larawan si Ginoong Edwin Cordevilla, Sec-Gen ng Filipino League of Advocates for Good Governance-Maharlika (FLAG-MAHARLIKA), na nilalagdaan ang impeachment case na inihain kontra kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen sa Kamara.

ALAB

JOHN AGUILAR

Ni John Aguilar

Mahigit 200 na Law Deans at Professors na kaibigan at katrabaho ni Associate Justice Marvic Leonen ang nagbigay ng suporta laban sa impeachment complaint na hinain kamakailan lamang ni Mr. Edwin Cordevilla na Secretary General ng FLAG Maharlika (Filipino League of Advocate for Good Governance-Maharlika).

Isa sa mga tinitingala ang mga abogado at maging ang mga professor sa ibat-ibang paaralan, unibersidad at sa lipunang ating ginagalawan, ang mga abogado ang nagiging sandalan ng mga naaapi at ang mga professors naman ang nagtuturo ng mga tamang kaalaman sa kanilang mga estudyante,  pero bakit tila baluktot ang katuwiran nila pagdating sa usaping impeachment complaint laban kay Associate Justice Marvic Leonen?

Ayon sa kanila ang impeachment complaint ay isang pag-atake sa kalayaan ng hudikatura, totoo nga ba? Totoo nga kaya na ito ay pagyurak sa hudikatura o ito ay pagsugpo sa naghahari-harian sa hudikatura? Ang dating ginagalang na hudikatura na ngayon ay pinagtatawanan dahil sa mga hindi kwalipikado at tamad na mahistradong tulad ni AJ Leonen, ang pag-upo sa 82 cases ang siyang tunay na pambabastos sa hudikatura!.  at ang hindi pagfile ng SALN (Statement of Assets, Liabilities and Net Worth) ay nagpapatunay na malaking paglabag sa batas ay ang tunay na pambabastos sa hudikatura!.

Tama na! Tigilan na natin ang pambabastos sa hudikatura at palayain na natin sa mga kamay ng tunay na umaatake sa kalayaan ng hudikatura! Oo, tama ang pagkakaintindi niyo, wala sa labas, hindi ang naghain ng impeachment complaint ang umaatake sa kalayaan nang hudikatura kundi nasa loob mismo, si Associate Justice Leonen mismo ang umaatake sa kalayaan at bumabastos sa hudikatura.

Kaya ang tanong ko sa mahigit 200 na law deans at professors na sumusuporta kay AJ Leonen:  Ang impeachment complaint ba ay pag-atake sa kalayaan nang hudikatura? O ang pambababoy ni AJ Leonen sa hudikatura ay ang totoong pag-atake sa kalayaan ng hudikatura?

Ops! Teka lang, alam ko na ang sagot niyo, alam kong BULAG KAYO SA KATOTOHANAN!

Hindi naman na nakakapagtaka ang statement ng mahigit 200 law deans at professors tungkol sa impeachment complaint dahil tulad nga ng sabi ko sila ay kaibigan at katrabaho ng Mahistrado, kaya natural sa kanila ang maging bulag sa kanilang sinumpaan.

Ang pagkakaroon nang “manyana habit” (mamaya na) na tulad ng ginagawa ni AJ Leonen ay nagpapakita ng kahinahaan at pagiging iresponsibilidad sa kanyang trabaho, kaya naman ang resulta nito ay ang 82 pending cases, kawawang mga tao na umaasa ng hustisya! kaya ang ganitong klaseng paguugali ay hindi dapat nararapat maging mahistrado.

Nakakatakot at nakakabahala, kapag hinayaan natin ang ganito ay magkakaron ito ng “domino effect”, baka sa pagdating ng panahon ay wala na tayong aasahan pa na hustisya dahil ngayon palang ay pinapayagan natin ang ganitong klaseng pag-uugali ng isang mahistrado.

Kaya sa mahigit 200 na law deans at professors na sumusuporta kay AJ Leonen, tatanungin ko ulit kayo! Ang impeachment complaint ba ay pag-atake sa kalayaan ng hudikatura? O ang pambababoy ni AJ Leonen sa hudikatura ay ang totoong pag-atake sa kalayaan ng hudikatura? Sagot! (AI/MTVN)

Leave a Reply