Patuloy ang pag-ulan sa Luzon habang patawid ang ‘TD Vicky’ sa Palawan

Patuloy ang pag-ulan sa Luzon habang patawid ang ‘TD Vicky’ sa Palawan

Ni Enjel Manato

MANILA — Patuloy na mararanasan sa ilang bahagi ng Luzon ang mga pag-ulan dulot ng pinagsanib na epekto ng tail-end ng frontal system at Tropical Depression (TD) Vicky ayon sa state weather bureau.

Sa kanilang 11 p.m. bulletin, sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na huling namataan si “Vicky” 80 kms northwest ng Puerto Princesa City, Palawan, pakilos sa northwestward sa tuling 25 kph.

Dala ng TD ang maximum sustained winds na 55 kph malapit sa gitna, may bugso na aabot hanggang 85 kph.

Katamtaman hanggang sa mabigat at may oras na paglakas ng ulan ang mararamdaman sa kalupaan ng Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Aurora, Quezon, Bicol Region, at northern portion ng Palawan, kasama na ang Calamian at Kalayaan Islands.

Magaan hanggang sa katamtaman at kung minsan mararanasan ang malakas na pag-ulan sa Babuyan Islands, ang natitirang bahagi ng Cordillera Administrative Region, Bulacan, Metro Manila, ang natitirang bahagi ng Calabarzon, at Mimaropa.

Nakataas pa rin ang Tropical cyclone wind signal (TCWS) no. 1 sa northern at central portions ng Palawan (Araceli, Dumaran, Taytay, El Nido, San Vicente, Roxas, Puerto Princesa City, Aborlan, Narra, Quezon, Sofronio Espanola) kasama ang Calamian, Cuyo, at Kalayaan Islands na makakaranas ng malakas na simoy ng hangin hanggang malapit sa gale condition at maalong baybayin.

Magdudulot ng pag- ulan sa hilagang silangan sanhi ng masamang kondisyon sa halos kabuuang bahagi ng Luzon, lalo na sa mga baybayin at sa mga lugar ng kabundukan.

Malakas hanggang sa mas malakas na karagatan ang inaasahan sa buong baybayin ng hilagang Luzon, ang buong baybayin ng gitnang Luzon, ang silangang baybayin ng Quezon, kasama ang Polillo Islands, baybayin ng Camarines Norte, ang northern seaboards ng Camarines Sur, at ang hilaga at silangan baybayin ng Catanduanes.

Malakas na karagatan sa silangang baybayin ng Albay, kasama ang Rapu-Rapu Islands, ang silangang baybayin ng Sorsogon, tabing dagat ng Zambales, western seaboard ng Bataan, kanlurang baybayin ng Batangas, kanlurang baybayin ng Occidental Mindoro, kabilang ang Lubang Island, ang hilaga at silangang baybayin ng Hilagang Samar, silangang baybayin ng Silangang Samar, kabilang ang Homonhon Island, silangang baybayin ng Dinagat Islands, silangang baybayin ng Surigao del Norte kasama ang Siargao at Bucas Grande Islands, silangang baybayin ng Surigao del Sur, at ang silangang baybayin ng Davao Oriental .

Mapanganib ang paglalakbay sa dagat sa mga karagatang ito, lalo na sa mga maliliit na sasakyang pandagat ayon sa PAGASA. (AI/MTVN)

TD Vicky: An aerial survey of flooded areas in Agusan del Sur (Photo courtesy by Project-LUPAD)

Leave a Reply