Punerarya, restobar pinakandado ng QC government

Punerarya, restobar pinakandado ng QC government

MANILA – Tuluyan nang ikinandado ng Quezon City government ang isang funeral parlor at restobar dahil sa paglabag sa mga ordinansa ng lungsod.

Pinatawan ng QC Business Permits and Licensing Department ng Temporary Closure order ang Sir John Funeral Services sa Barangay Culiat dahil sa pagbuburol sa bahay ng isang pumanaw na labag sa general community quarantine (GCQ) guidelines ng lungsod.

Napag-alaman din na expired na ang Mayor’s Permit ng funeral parlor kung kaya’t nagging doble pa ang kasong kinakaharap nito ngayon.

Paglabag din sa minimum health protocols at quarantine guidelines ang dahilan kaya inisyuhan ng Temporary Closure din ang Vince Vega Restobar sa Barangay Siena.

Nabuking din na expired na rin ang kanilang business permit.

Muling pinaalalahanan ng QC government ang mga may-ari ng mga negosyo sa lungsod na sumunod sa mga ordinansa at quarantine guidelines at magpatupad ng minimum health protocols sa kani-kanilang establisimyento. (FC/MTVN)

ART SON/BENJAMIN CUARESMA

Leave a Reply