Rebelde sumuko sa Dingalan, Aurora bago ang anibersaryo ng NPA

Rebelde sumuko sa Dingalan, Aurora bago ang anibersaryo ng NPA

MANILA — Anim na araw bago ang ika-52nd anibersaryo ng CPP-NPA sa Disyembre 26, boluntaryong sumuko sa Alpha Company ng 91st Infantry (Sinagtala) Battalion ang dating meyembro ng Milisyang Bayan na nakilalang si “Ka Amang” ng Barangay, Tanawan sa bayan ng Dingalan, Aurora.

Bitbit ng dating rebelde ang isang AK47 assault rifle, dalawang magazine at mga bala na kanyang personal na iniabot kay Battalion Commander Lt. Col. Reandrew Rubio at Lt. Jun Nino Espora.

Ang pagsuko nito ay bahagi ng E-Clip program ng pamahalaan ng naglalayong bigyan ng panibagong buhay ang mga nagbabalik-loob sa gobyerno. (AI/FC/MTVN)

THONY ARCENAL

Leave a Reply