Under spending ng gobyerno dapat ayusin bago muling umutang para sa Covid-19 — SWP

Under spending ng gobyerno dapat ayusin bago muling umutang para sa Covid-19 — SWP

By Tracy Cabrera

MANILA – Ang hundi maayos na paggastos o underspending ng administrasyong Duterte sa pagtugon sa Covid-19 ay maaaring makabawas sa posibilidad na makakuha ang bansa ng mga bagong pautang.

Ito’y ayon Social Watch Philippines (SWP) sa panawagan nito sa gobyerno para sa mabisang paraang matugunan ang pandemya.

Ginawa ng SWP ang panawagan matapos lumabas sa isang pag-aaral na isinulat ni Alvic Padilla at sumuri sa mga utang ng gobyerno na may kaugnayan sa Covid mula sa Asian Investment Infrastructure Bank (AIIB) at Asian Development Bank.

“We are still in a continuing disaster so there is no time to lose in providing for the needs of our people at the soonest possible time,” punto ni Padilla, dalawang araw matapos ang ulat na inaprubahan ng Senado sa final reading ang dalawang panukala na magpapalawig sa validity ng 2020 national budget at Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2).

Kapag naisabatas, papayagan ng dalawang panukala ang gobyerno na gumastos ng mga hindi nagamit na pondo mula sa kasalukuyang badyet hanggang Hunyo 2021.

Sa nabanggit na datos mula sa Department of Budget and Management (DBM), binigyan diin ni Padilla, sa isa niyang pampublikong presentasyon, na base sa kanyang pag-aaral, gumastos ang gobyerno ng mas kaunti kaysa sa nai-programa sa panahon ng pandemic.

Nakasaad sa website ng DBM nito na “sa halip na gumastos ng PhP3.268 trilyon mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon, ang pamahalaan ay gumugol lang ng PhP3.022 trilyon o 7.5 porsyento na mas mababa kaysa sa nai-programa.

Hanggang Setyembre 2020, nangutang ang gobyerno ng USD9.9 bilyon upang tugunan ang Covid-19, batay sa datos mula sa Department of Finance (DoF).

Ang isa sa mga pautang na ito ay ang USD750-milyong AIIB Loan, na siya namang paksa ng pag-aaral na isinagawa ng SWP.

“The national government should strengthen its administrative capability to address under spending of COVID-19 loans,” wika ni SWP co-convenor Ma. Victoria Raquiza, matapos ang public presentation ng pag-aaral sa pamamagitan ng online video conferencing platform.

“This includes ‘addressing rigidities in the system that has delayed spending for and distribution of aid to a wide swathe of our people negatively affected by the pandemic,” ani Raquiza. (AI/MTVN/EManato)

Leave a Reply