DILG nagbabala sa publiko sa health protocols

DILG nagbabala sa publiko sa health protocols

Makikita sa kanang larawan si Manila Police Dist. Dir. P/Gen. Leo Francisco habang nagbibigay ng direktiba sa mga armadong 75 SAF troopers noong deployment nila sa Divisoria.

Ni Benjamin Cuaresma

MANILA — Kamakailan ay naglabas ng isang advisory si Secretary Eduardo Ano ng Department of Interior and Local Government (DILG) bilang paalala sa mga mamayan na ang pagtitipon-tipon ng mahigit sa 10 katao ay ipinagbabawal ayon sa anti-pandemic rules na dapat na mahigpit na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Ang mass gatherings ng higit sa 10 katao kagaya ng Xmas parties at Simbang Gabi o pagtitipon-tipon sa labas man ng tahanan ay isang paglabag sa anti-pandemic rules ng IATF kung walang karampatang pagiingat gaya ng nakasaad sa minimum health protocols.

Mahigpit na ipinatutupad ang naturang direktiba ng DILG upang maiwasan ang paglaganap ng Covid-19 sa bansa ngayong Kapaskuhan.

Samantala,sa kabila ng mahigpit na kautusan ng DILG, LGUs at mga kapulisan, patuloy naman ang pagdagsa ng mga mamimili sa Divisoria ng Maynila na dinadayo ng mga mamimili upang humabol sa Xmas rush sale.

Sa kabila nito ultimong mga lokal na otoridad ay di maawat at hirap sa pag papatupad ng mga health protocols lalo na ang physical distancing kung kaya’t minarapat ng Manila’s Finest na humingi ng karagdagang puwersa.

Kamakailan lamang ay nagpakalat ng 75 armadong Special Action Force (SAF) na pinamunuan ni Manila Police District Dir. P/Gen. Leo Francisco ang pag-deploy sa Divisoria upang siguruhin na maayos at maiwasan ang pagkumpol-kumpol ng mga mamimili ngayong huling tatlong (3) araw bago sumapit ang Pasko.

Leave a Reply