Groundbreaking ng ‘BaseCommunity’ pinangunahan ni Yorme Isko

Groundbreaking ng ‘BaseCommunity’ pinangunahan ni Yorme Isko

MANILA — Pinangunahan nina Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan ang groundbreaking ceremony sa sa proyektong pabahay ng lokal na pamahalaan na tinawag na “BaseCommunity.”

Plano ng lungsod na magpatayo ng townhouse-type housing sa Baseco upang mabigyan ng sariling tahanan ang mga mahihirap na pamilya dito.

“Ito ang magiging simbolo ng pabahay sa Maynila at pagpapataas ng antas ng pamumuhay sa Maynila,” wika ni Moreno sa groundbreaking.

Base sa plano, may 229 units ang nasabing BaseCommunity, na pawang two-storey, dalawang kuwarto at may floor area na 42 square meters.

Bukod sa BaseCommunity housing project, nauna nang inilunsad at sinimulan nang itayo ang Tondominium 1 at 2 at Binondominium.

Layon ng mga nasabing proyektong pabahay na magkaroon ng sariling tahanan at maitaas ang kalidad ng pamumuhay ng mga mahihirap na Manileño.

Kapag natapos at nai-award na, hindi ito maaaring ibenta ng pinagbigyan. (AI/FC/MTVN)

KIARA LAUREN IBANEZ/MORES HERAMIS/BENJAMIN CUARESMA

Leave a Reply