Mungkahi ni Duque: Mas istriktong Covid-19 curb sa Pasko, Bagong Taon

Mungkahi ni Duque: Mas istriktong Covid-19 curb sa Pasko, Bagong Taon

By Tracy Cabrera

MANILA — Ipatutupad ng lokal na lider ng pamahalaan sa Kamaynilaan ang mas mahigpit na pagtatanod sa mamamayan para sa pagsisikap na masawata ang mabilis na pagkalat ng coronavirus, lalo na sa nalalapit na Pasko at Bagong Taon.

Binatikos ang gobyerno sa naiulat na pagbabago sa kanilang mapaalwan ang mga restriksiyon sa darating na Pasko at maigawad ang mas mahigpit na hakbangin na ilalatag sa halos 12 milyon katao sa MM.

Denepensahan ni Health secretary Francisco Duque III ang desisyon, kung saan binanggit ang ebedensiya na naglalarawan ng pagiging kampante ay nagiging dahilan sa pagtaas ng mga kaso sa metropolis.

Mungkahi ni Duque, pinahigpit na health safety protocols—kung saan kailangan ang ikatlo sa populasyon ang manatili sa bahay maliban sa mga esensyal na rason gaya ng trabaho, at maaring ito’y ipanatili hanggang sa available na ang bakuna sa kalagitnaan ng 2021.

“We’ve got a long way to go to sort this,” punto ng government health experts.

“Essentially we’ve got to get that vaccine rolled out to keep people safe. Given how much faster the virus spreads, it’s going to be very difficult to keep it under control until we have the vaccine rolled out,” anila pa.

Maaring simulan sa bansa ang pagbabakuna sa mga Pinoy posible ang paggamit ng vaccine na denibelop ng Pfizer at BioNTech sa Hulyo ng susunod na taon.

Ang bilang ng mga kaso sa bansa ay lomobo na sa higit 460,000 habang sinusulat ito at nakapagtala ng 8,947 deaths.

Inilahad ng mga opposition senator habang sinusuportahan nila ang bagong hakbang, “yet again the health secretary waited until the 11th hour to take this decision.”

“The alarm bells have been ringing for weeks but the prime minister chose to ignore them . . . He told the country to go ahead and have a merry little Christmas . . . and yet three days later he tells millions of families to rip up those plans,” anila patungkol sa mga komento na sinabi ni Duque kamakailan.
(AI/MTVN/EM)

Leave a Reply