Pag-ulan patuloy na mararanasan sa Luzon ngayong Lunes

Pag-ulan patuloy na mararanasan sa Luzon ngayong Lunes

MANILA –Makakaranas pa ng mga pag- ulan ang kabuuang bahagi ng Luzon ngayong Lunes ayon sa forecast ng state weather bureau.

Ayon sa PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) may mga pag-ulan, na may kasamang bugso ng hangin sa Kalayaan Islands sa Palawan dulot ng tropical storm ‘Vicky’ na nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) kahapon, Linggo.

Huling binabaybay ng TD “Vicky” 175 kilometro south southwest ng Kalayaan Islands, sa labas ng PAR.

Nakataas ang tropical cyclone wind signal no. 1 sa island group.

Samantala ang tail-end ng frontal system, ay magdadala ng kalat-kalat na ulan at pagkulog sa Bicol Region, Aurora at Quezon.

Bahagyang maulap na kalangitan na may isolated rain showers ang mararanasan sa Visayas, Mindanao at at buong Palawan.

Magiging dahilan din ng mga pag-ulan sa hilagang-silangan (northeast monsoon) sa lugar ng Cagayan Valley, at mahinang ulan sa Metro Manila at buong Luzon.

Banayad hanggang sa malakas na hangin, banayad hanggang sa maalon sa mga baybayin ang mangingibabaw sa Luzon. (AI/MTVN/EM)

Leave a Reply