Personal na alitan, away sa lupa ugat ng pagpaslang ng mag-ina sa Tarlac

Personal na alitan, away sa lupa ugat ng pagpaslang ng mag-ina sa Tarlac

Ni Arwen Pascua

MANILA — Matagal nang may personal na alitan bunsod ng away sa lupa sa pagitan ng pulis na pumaslang sa mag-ina at pamilya ng mga biktima sa Paniqui, Tarlac noong Linggo

Ito ang lumitaw sa paunang imbestigasyon ng pulisya sa pagpaslang ni P/MSgt. Jonel Nuesca kina Sonya Gregorio, 52, at Frank Anthony Gregorio, 25, sa Purok 2, Barangay Cabayaoasan.

Sa isang press briefing sa Camp Crame, inanunsiyo ni Philippine National Police (PNP) chief Debold Sinas na inihahanda na ang kasong kriminal at administratibo labay kay Nuesca.

Nauna nang sinabi ng Police Regional Office (PRO) 3 na kakasuhan ng double murder ang suspek na pulis.

Maliban pa rito, pinamadali na si Sinas ang Internal Affairs Service (IAS) ng PNP ang proseso ng kasong administratibo laban kay Nuezca upang mais na ito sa serbisyo.

“Again, let me express my sincere condolences to the family of the victims, and I am extending to them any form of assistance within my power as Chief, PNP to appease their emotions in this unexpected time of grief,” wika pa ni Sinas.

Matapos mapatay ang mag-ina, mabilis na tumakas ang suspek na pulis subalit sumuko rin ito sa tanggapan ng Rosales Municipal Police Station (MPS) sa Pangasinan.

Nakakulong na ang suspect sa Municipal Police Station ng Paniqui. Naka-automatic leave na ang pulis upang hindi na ito makatanggap ng sahod. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply