2021 national budget pipirmahan ni Duterte sa Dec. 28 – Palasyo

2021 national budget pipirmahan ni Duterte sa Dec. 28 – Palasyo

MANILA — Lalagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang P4.506-trilyong national budget para sa 2021 sa ika-28 ng Disyembre sa Davao City, ayon sa Palasyo.

Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na maaaring dumalo ang ilang mambabatas sa ceremonial signing.

Natanggap na ng Palasyo ang kopya ng panukalang budget noong Biyernes at kasalukuyan nang binubusisi ng Pangulo.

Ayon kay Roque, maaaring gamitin ng Panguloa ang kanyang kapangyarihang mag-veto ng line-item veto kung kinakailangan kapag may nakita siyang hindi tama sa panukala.

Sa ilalim ng nasabing panukala, naglaan ang mga mambabatas ng P23 bilyon para sa rehabilitasyon ng mga komunidad na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo.

May inilaan din ang Kongreso na P72.5 bilyon para sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19.

Pinalawig din ng mga mambabatas ang bisa ng 2020 General Appropriations Act hanggang December 31, 2021 at ang Bayanihan to Recover as One Act hanggang ika-30 ng Hunyo 2021. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply