Anak ng killer cop di dapat kondenahin — DSWD

Anak ng killer cop di dapat kondenahin — DSWD

MANILA — Nakiusap ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na huwag hiyain at kondehinn ang anak ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca dahil lalo itong makakasama sa bata.

“Nakakalungkot ang insidente na ito pero i-spare natin iyong anak sa condemnation and cyberbullying,” wika ni DSWD spokesperson Irene Dumlao.

Tinutukoy ni Dumlao ang natatanggap na batikos ng bata mula sa mga netizen kasunod ng pagkalat ng viral video ng pagpatay ni Nuezca sa mag-inang sina Sonya Gregorio, 52, at Frank, 25, noong Linggo sa Paniqui, Tarlac.

Paliwanag ni Dumlao, dapat unawain ng publiko na wala pang sapat na kakayahan ang anak ni Nuezca na kontrolin ang kanyang emosyon dahil sa mura nitong edad.

“We should not share images that would incite further judgment kasi hindi makakatulong sa kanya. It takes a village to raise a child, kaya we need to understand and extend support,” sabi pa ni Dumlao.

Nagsagawa na Field Office ng DSWD sa Region 3 ng debriefing at counseling hindi lang sa anak ni Dumlao kundi pati na rin sa ibang mga bata na nakasaksi sa pangyayari.

“Nakapagsagawa na po kami ng initial assessment at intervention sa community, so they can be further rehabilitated if need be as a result of the incident,” dugtong pa ni Dumlao. (FC/MTVN)

Leave a Reply