Anger management training para sa pulis balak ilundsad ng PNP

Anger management training para sa pulis balak ilundsad ng PNP

MANILA – Plano ng Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng pag-aaral tungkol sa anger management upang mabigyan ng training ang mga pulis kung anong gagawin kapag may komprontasyon o kaguluhan na maaaring mauwi sa karahasan.

Ito’y kasunod ng nangyaring pagpatay ni Senior M/Sgt. Jonel Nuezca sa mag-inang sina Sonya Gregorio (52) at binatilyong anak na si Frank Anthony noong Linggo sa Paniqui.Tarlac.

Ayon kay PNP chief Gen. Debold Sinas, kumonsulta na siya sa mga eksperto sa PNP Health Service kung bakit nagawa ni Nuezca ang krimen.

“We might have also a new study on anger management of our people. I want to come up with a study and how it (the result of the study) could be converted to a module for anger management,” wika ni Sinas.

Batay sa result ng paunang talakayan kasama ang neuropsychiatrists ng PNP, sinabi ni Sinas na ang nangyari ay resulta biglang bugso ng galit.

Ito rin ang binanggit ni Nuezca pagkatapos niyang sumuko at harapin ang kasong double murder na isinampa sa kanya.

“If you would notice, he decided to surrender. He did not run away and hide. He chose character probably after his anger subsided so that already shows that he is ready to face the charges,” ani Sinas.

Walang piyansang inirekomenda ang mga prosecutor para sa pansamantalang paglaya ni Nuezca. (FC/MTVN)

Leave a Reply