Biyahero mula EU i-ban na para bilang proteksiyon sa bagong COVID-19 strain

Biyahero mula EU i-ban na para bilang proteksiyon sa bagong COVID-19 strain

MANILA — Para hindi na makapasok pa sa bansa ang bagong strain ng COVID-19 virus na nadiskubre sa United Kingdom, dapat na munang i-ban ang mga biyahero galing sa nasabing lugar.

Ito ang panawagan ng tatlong senador sa pamahalaan kasunod ng pagkadiskubre ng bagong strain ng COVID-19 na 70 porsiyentong mas nakakahawa.

Ayon kay Senador Franklin Drilon, dapat nang kumilos ang Department of Health (DOH) upang hindi na maulit ang nangyari noong Pebrero kung saan hindi nagpatupad ng ban ang gobyerno sa mga biyahero galing China kaya nakapasok ang COVID-19 sa bansa.

Para naman kay Senador Joel Villanueva, sa pamamagitan ng temporary ban ay masisigurong hindi makakapasok sa bansa ang bagong COVID-19 strain.

Hiniling naman ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang agarang ban upang matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino.

Naun nang sinabi ng DOH na binabantayan na nila ang bagong strain subalit hindi pa kailangang maghigpit sa pagpasok ng mga biyahero dahil diplomats, Filipino citizens at mga negosyante lang ang pinapayagang pumasok sa bansa.

“Iyon pa lang ang pinapapasok natin and strenghened rin ang measures natin on testing, quarantine na isinasagawa sa ating borders,” wika ni Vergeire. (FC/MTVN)

Leave a Reply