Brandon Vera balik tanaw sa hamon ng 2020; positibo sa 2021

Brandon Vera balik tanaw sa hamon ng 2020; positibo sa 2021

MANILA– Magtatapos na ang delubyong taon ng 2020 na hindi man lang nakasampa sa octagon si reigning ONE Heavyweight World Champion, Filipino-American superstar Brandon “The Truth” Vera.

Pero para kay Fil-am fighter Vera nais niyang ipaalala na dapat gawing positibo ang pagharap sa nararanasang katastropikong hatid ng pandemya bitbit ang taimtim na dalangin na matapos na at maibalik ang lahat sa dating normal sa pagsalubong sa taong 2021.

Kasalukuyang nasa Guam si Vera kasama ang kanyang misis na si Jessica, at kanilang anak na si Atreyu Timothy. Wala siyang laban pero palaging kondisyon at umaasang maipagpapatuloy ang kanyang career sa paparating na taon.

“It has been a crazy, unexpected, wild ride,” bulalas ni Vera.

“The only thing that has come together as planned was our son Atreyu getting here this year. I honestly can’t complain being able to spend time with my family, all the way to my extended family. It is definitely a blessing not to be looked past.”

Huling sumabak si Vera sa hawla noon pang October ng 2019, nang malasap ang second-round TKO loss kay Aung La N Sang makaraang bumaba siya sa light heavyweight para sa target na angkinin ang naturang division.

Pinalakas ng ONE Championship ang heavyweight ranks kabilang ang pirmahan ng mga bagong atleta sa dibisyon na ito kung saan marami sa kanila ay tinaguriang “The Truth.” At mula noon ay muling pinagtibay ni Vera ang kanyang hangad na hawakan ang dibisyon na umakma sa kanyang timbang at kinayang saluhin ang mga pagsubok sa hinaharap.

“I’m very much looking forward to all of the challenges and all of the challengers,” sambit ni Vera.

“I’m looking to fight twice a year. There are enough people that I want to compete against throughout the year to motivate me to go twice.”

Nakatatak sa isipan ang natutunan sa mga nakalipas na taon, tanaw balik sa kanyang karanasan si Vera buhat sa mga natamo niyang mga pagsubok, nasa itaas man o nasa ibaba.

“The highlight of the year for me was being in the hospital with my Nenja, and watching the moment my son was born,” litanya ni Vera.

“The lowest point of the year for me was probably shared with many citizens of the world. Not being allowed to do this or that. It’s not something I am accustomed to. From travel to everyday shopping, to whom you can have in your house, I’m definitely ready for 2020 to be over.”

Mula sa pagputok ng Taal Volcano sa kaagahan ng taon , hanggang sa global pandemic na daan para malugmok ang Pilipinas sa samu’t saring kalamidad na dumistroso sa bansa. Para kay Vera nalagpasan ang lahat ng ito ng mga Pinoy.

Alam niya ang paghihirap at paghihikahos na dinanas ng mga Pinoy, ngunit higit ding kinikilala ang pagiging matatag at mabilis na pagbangon ng kanyang mga kababayan.

“Alam ko (I know), whatever your story is, it was harder than anyone else’s because it happened to you. I like you, am looking forward to this year to come to a close and be ready to start fresh next year. No matter how hard it is, kaya naman ng Pilipino (Filipinos can get through it),” wika ni Vera.

“Help when you can, where you can, if you can and be kind when applicable. Do more coming up to help pay it forward. Alam ng Dios (God knows) the world needs it.”

Magbabalik ang ONE Championship sa gaganaping ONE: COLLISION COURSE II, isang recorded event mula Singapore Indoor Stadium na nakatakdang i- broadcast sa Biyernes, araw ng Pasko, (25 December).

Sa main event, haharapin ni#2-ranked featherweight Muay Thai contender Jamal “Kherow” Yusupov ng Russia si #4-ranked contender Samy “AK47” Sana ng France at Algeria sa ONE Super Series Muay Thai showdown.

Sa co-main event, si former ONE Flyweight World Champion at #3-ranked flyweight contender Kairat “The Kazakh” Akhmetov kontra “Ottogi” Dae Hwan Kim of South Korea sa catch weight mixed martial arts contest. (AI/FC/MTVN/EM)

Leave a Reply