Duterte magdiriwang ng Pasko sa Davao City

Duterte magdiriwang ng Pasko sa Davao City

MANILA – Magdiriwang si Pangulong Rodrigo Duterte ng Pasko kasama ang kanyang pamilya sa Davao City, anunsiyo ng Malacañang.

“Ang Pasko po sigurado (It is certain that [President Duterte] will be celebrating Christmas [in Davao]),” wika ni presidential spokesperson Harry Roque.

Ito ang ikalimang pagkakataon na magdiriwang ng Pasko si Duterte sa Davao City mula nang maupo bilang Pangulo noong 2016.

Tradisyon na sa Pangulo ang dumalaw sa mga batang may cancer sa Southern Philippine Medical Center sa Davao City tuwing Pasko.

Subalit hindi naman inilabas ni Roque ang mga aktibidad ng Pangulo sa araw ng Pasko.

Una nang nanawagan si Duterte sa sambayanan na iwasan ang mag-party ngayong kapaskuhan upang mapigil ang pagkalat ng COVID-19. (FC/MTVN)

Leave a Reply