Duterte: Pondo ng NPA ginagamit ni Zarate na pampaaral sa anak sa Europa

Duterte: Pondo ng NPA ginagamit ni Zarate na pampaaral sa anak sa Europa

MANILA — Inakusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ng paggamit sa revolutionary tax na nakukuha ng rebeldeng New People’s Army (NPA) para sa pag-aaral ng kanyang anak sa Europa.

Ayon pa sa Pangulo, nililinlang ni Zarate ang taumbayan nang sabihin nitong ang kanyang ina ang nagpapaaral sa bata sa isang unibersidad sa Poland.

“You know, baka sabi mo talaga maloloko mo ang Pilipino, lalo na ang — kami dito. Ang lola tinignan namin ang ano, matanda na wala namang propedad, walang income. Paano makagasto,” wika ng Pangulo.

Paniwala ni Duterte, ginagamit ni Zarate na pampaaral ng anak ang pondong nakokolekta ng rebeldeng grupo dahil hindi rin sapat ang suweldo nito bilang mambabatas.

“Huwag mo kaming bolahin. Baka kaya siguro ang ginagastos mo ‘yung pera ng kinokolekta ng mga NPA dito,” bintang ng Pangulo.

Giit pa ni Duterte, ito ng katotohanan na hindi nakikita ng mga NPA, kung saan nabubuhay nang marangya ang mga lider nila mula sa nakokolekta nilang pondo.

Hinamon ng Pangulo si Zarate na sagutin ang akusasyon. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply