Mga abogado iginiit sa SC na bigyan sila ng proteksyon

Mga abogado iginiit sa SC na bigyan sila ng proteksyon

Nagsagawa ng pagtitipon ang mga grupo ng mga abogado sa labas ng Korte Suprema upang igiit na bigyang proteksyon ang mga abogado at hukom sa bansa.

Panawagan nila na mahinto ang mga nagaganap na pagpatay sa kanilang hanay na malaki ang epekto sa kanilang ginagawang trabaho bilang mga tagapagtanggol ng hustisya.

Kaugnay nito nagsumite ang grupo, sa pangunguna ni dating party-list representative Neri Colmenares, nang petisyon sa Supreme Court na bigyan pansin ang mga pagpatay sa mga miyembro ng propesyong legal.

MORES HERAMIS

Leave a Reply