MPD nagpakalat ng SAF sa Divisoria para mapanatili ang social distancing

MPD nagpakalat ng SAF sa Divisoria para mapanatili ang social distancing

Ni Benjamin Cuaresma

MANILA — Naglabas kamakailan ng advisory si Sec. Eduardo Ano ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na bawal ang pagtitipon-tipon ng mahigit sa 10 katao, batay na rin sa health protocols na ibinaba ng Inter-Agency Task Force (AITF) for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Binalaan din ni Ano ang publiko na sumunod na lamang sa mga itinakdang health and safety protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 ngayong panahon ng kapaskuhan.

Sa kabila nito, marami pa ring mamimili ang dumagsa sa Divisoria sa Maynila para makabili ng murang panregalo at panghanda sa Noche Buena na nagresulta sa kawalan ng social distancing.

Kaya nagpakalat ang Manila Police District, sa pamumuno ni District Dir. P/Gen. Leo Francisco, ng 75 armadong Special Action Force (SAF) members sa Divisoria upang siguruhin na maayos at maiwasan ang pagkumpol-kumpol ng mga mamimili habang papalapit ang kapaskuhan. (FC/MTVN)

Leave a Reply