Karamihan ng Pinoy kuntento sa pagtugon ng gobyerno sa Covid-19

Karamihan ng Pinoy kuntento sa pagtugon ng gobyerno sa Covid-19

MANILA – Mayorya ng mga Pilipino ay kuntento sa ginagawang trabaho ng Office of the President (OP) at ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases’ (IATF-EID) para mapigil ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Batay sa PAHAYAG End-of-the-Year survey na ginawa ng PUBLiCUS Asia, Inc. mula Disyembre 3-9 at inilabas noong Disyembre, nakakuha ang OP and IATF-EID ng pinamataas na approval scores.

Ang OP at IATF-EID ay nakakuha ng approval scores na 67.8 porsiyento at 62.667 porsiyento, ayon sa pagkakasunod.

Sila lang ang dalawang ahensiya ng gobyerno na nakakuha ng approval rating na mas mataas sa 60 porsiyento.

Ang iba pang ahensiya ng pamahalaan na nakakuha ng mataas na approval rating ay ang Department of Science and Technology (57.6 percent), Social Welfare (56.533 percent), Health (54.2 percent), Labor (54.067 percent), at Local Government (52.933 percent).

Ang Presidential Communications Operations Office ay may 51.467 percent, Department of Agriculture (51.333 percent). Transportation (50.933 percent), Tourism (50.866 percent), at Information and Communications Technology (50.133 percent).

Pinakamababa naman ang rating ng Office of the Vice President, na mayroon lang approval score na 41 percent.

Nasa 1,500 respondents ang nakausap ng PUBLiCUS. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply