Kilos protesta ng anti-CPP-NPA groups inilunsad

Kilos protesta ng anti-CPP-NPA groups inilunsad

Nagsagawa ng protesta ang ilang anti-communist groups malapit sa Far Eastern University sa Morayta bago nagmartsa patungong Mendiola Bridge para kondenahin ang ika-52 anibersaryo ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front at upang ipakita ang suporta kay Quezon City Judge Cecilyn Burgos-Villavert.

Nag-isyu si Villavert ng warrants na nagbigay daan sa mga pulis para halughugin ang tanggapan ng ilang progresibong grupo sa Bacolod at ang mga bahay ng ilang miyembro ng Kadamay sa Maynila noong ika-30 ng Oktubre. Nangyari ang paghalughog at pag-aresto noong ika-31 ng Oktubre.

Ang ika-52 anibersaryo ng CPP-NPA ay gaganapin sa darating na Sabado, 26 December 2020. (FC/MTVN)

Leave a Reply