Meralco hinikayat na palawigin pa ang no-disconnection policy ng 6 na buwan

Meralco hinikayat na palawigin pa ang no-disconnection policy ng 6 na buwan

MANILA — Nanawagan si Bayan Muna party-list Representative Carlos Zarate sa Manila Electric Company (Meralco) na palawigin pa ang no-disconnection policy nito ng anim na buwan upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga consumer para magbayd ng kanilang bill sa kuryente.

Una nang inanunsiyo ni Speaker Lord Allan Velasco na pinalawig ng Meralco ang no-disconnection policy nito hanggang Enero 31, 2021 alinsunod na rin sa kanyang hiling.

Natuwa man si Zarate sa extension ngunit iginiit ng mambabatas na nasa mas magandang posisyon ang consumers na magbayad ng bill kung anim na buwan ang ibibigay na palugit.

Aniya, malaking tulong ang anim na buwan na extension ng no-disconnection policy lalo pa’t karamihan ng customer ng Meralco ay nawalan ng trabaho at nahihirapang maghanap ng pagkain sa araw-araw.

Noong ika-30 ng Nobyembre, sumulat si Velasco kay Meralco president Ray Espinosa at humingi ng palugit sa no-disconnection policy hanggang katapusan ng Enero 2021.

Sa kanyang liham, sinabi ni Velasco na malaking tulong ito para sa mga customer ng Meralco na naapektuhan ng pandemya ang kabuhayan. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply