Luneta Park bukas sa araw ng Pasko ngunit limitado ang maaaring pumasok

Luneta Park bukas sa araw ng Pasko ngunit limitado ang maaaring pumasok

MANILA — Maaaring mamasyal sa Luneta Park ang taumbayan sa araw ng Pasko ngunit marami nang ipatutupad na limitasyon upang maiwsan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ni Reina Jara, chief administrative officer ng National Parks Development Committee (NPDC), na 2,000 katao lang ang papayagang makapasok sa makasaysayang parke.

“Kahit may pandemya, tuloy na tuloy pa rin ang Pasko,” ani Jara.

Idinagdag pa ni Jara na bukas ang parke alas-5 hanggang alas-9 ng umaga, at alas-4 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi.

Subalit bawal ang pagdadala ng inumin at pagkain kaya hindi muna maaaring gawin ang nakasanayang picnic ng pamilyang Pilipino.

Upang mabantayan ang bilang ng papasok sa parke, may itatalagang lugar ng pasukan kung saan kukunan ang mga tao ng temperature at detalye para sa contact tracing.

Bawal magtinda sa loob ng parke habang magtatalaga ng mga lugar kun saan maaaring magpakuha ng larawan. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply