Mga saksi sa pagpatay sa mag-ina sa Tarlac ayaw tumestigo

Mga saksi sa pagpatay sa mag-ina sa Tarlac ayaw tumestigo

MANILA — Plano ng Philippine National Police na isumite sa hukuman bilang ebidensiya ang video ng pagpatay ni Police Staff Sergeant Jonel Nuezca sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac.

Subalit sinabi ni PNP chief General Debold Sinas na atubili nang tumestigo sa korte ang ilang saksi sa pagpatay ni Nuezca kina Sonya at Frank Anthony Gregorio, kabilang na ang kumuha ng viral video.

“Kakausapin pa namin ‘yong ibang witness doon sa video kasi ‘yong sa video ay gagawan namin ng paraan na sana i-accept ‘yon as evidence so ‘pag na-accept ‘yon as evidence, malakas talaga ‘yong kaso against kay Nuezca,” wika ni Sinas.

“Kasi sa ngayon hindi pa ‘yon na-offer as evidence dahil ‘yong kumuha at tsaka may-ari ng video ay parang alanganin pa,” dagdag pa ng PNP chief.

Sumuko na si Nuezca sa awtoridad at nahaharap sa dalawang kaso ng murder.

Una nang sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na maaaring mag-apply sa Witness Protection Program (WPP) ang mga testigo sa krimen bilang proteksiyon.

“But if the witnesses needed protection, they may apply directly with the DOJ WPP and we shall evaluate their application for provisional coverage immediately,” wika ni Guevarra. (AI/FC/MTVN)

Ang suspect sa double murder case sa Paniqui, Tarlac na si Police Staff Sergeant Jonel Nuezca.

Leave a Reply