COVID-19 vaccines ng Pfizer-BioNTech, Moderna posibleng mauna sa Pilipinas

COVID-19 vaccines ng Pfizer-BioNTech, Moderna posibleng mauna sa Pilipinas

MANILA — Maaaring mauna sa Pilipinas ang mga bakunang gawa ng Pfizer-BioNTech at Moderna laban sa COVID-19 kung uusad agad ang negosasyon, ayon sa isang opisyal ng Department of Science and Techology.

Sa isang public briefing, sinabi ni DOST–Philippine Council for Health Research Development executive director Jaime Montoya na ang pagdating ng bakuna ng dalawang kumpanya sa Pilipinas ay nakabatay sa kanilang aplikasyon para sa “emergency use authorization (EUA).”

“If they are going to pursue their application for the EUA in the Philippines, malamang sila ang mauuna na maging available,” paliwanag ni Montoya.

Ibig sabihin nito, sinabi ni Montoya na maaari nang gamitin sa bansa ang bakunang gawa ng dalawang kumpanya kapag naaprubahan ng Food and Drug Administration ang kanilang EUA

Kung pagbabatayan ang usad ng proseso ng negosyasyon, sinabi ni Montoya na maaaring dumating ang bakuna sa Pilipinas sa ikalawang bahagi ng 2021 kapag naaprubahan ang EUA sa nasabing panahon.

Ang dalawwang nabanggit na bakuna ay naaprubahan na sa Estados Unidos at kasalukuyan nang iniiniksiyon sa kanilang mamamayan. (FC/MTVN)

Leave a Reply