Mga gobernador balak ding bumili ng COVID-19 vaccines

Mga gobernador balak ding bumili ng COVID-19 vaccines

MANILA — Nagpahayag ang isang grupo ng mga local government executives na balak diumano ng mga gobernador na bumili ng bakuna para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) upang mapatibay ang depensa ng kani-kanilang mga lalawigan laban sa virus.

Ito ang kinumpirma ni Quirino Governor Dakila Cua, pangulo ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP), at nagsabing napag-usapan na ito ng grupo sa kanilang pulong sa ilang opisyal ng gobyerno kamakailan.

“Nag-meeting kami last December 18 and one of our guests in that general assembly was Secretary (Delfin) Lorenzana from the IATF. And pinag-usapan nga that some provinces, if not all, are interested in buying some vaccines for us to distribute nationwide,” wika ni Cua.

Inaantay na lang ng mga gobernador ang malinaw na panuntunan mula sa pambansang pamahalaan kung paano sila makakabili ng bakuna.

Kasama sa mga panuntunan ang rekomendasyon ng pambansang pamahalaan ukol sa detalye ng bakuna, proseso ng pagbili at distribusyon.

Isyu din kung maaaring gamitin ang disaster fund ng lalawigan sa pagbili ng bakuna.

“Alam naman natin kasi na hindi 100 percent ang maba-vaccinate ng national government. And if we can somehow increase the number of people that we can provide vaccination for, ‘di mas matinding proteksyon naman ng ating mga kababayan,” punto ni Cua. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply