Covid-19 vaccine dadaan sa masusing pagsusuri bago iturok sa publiko — Vergeire

Covid-19 vaccine dadaan sa masusing pagsusuri bago iturok sa publiko — Vergeire

MANILA — Tiniyak ng Department of Health na dadaan sa masusing pagsusuri ang coronavirus disease (COVID-19) vaccines na bibilhin ng gobyerno bago ito gamitin sa publiko.

“So ito pong lahat ng layers makakasigurado tayo na ang bibilhin natin ay karapat-dapat at magiging efficient ang gobyerno sa pagbili niyan,” wika ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Ginawa ni Vergeire ang pahayag bunsod ng duda ng publiko ukol sa Sinovac, ang bakunang gawa sa China na mayroon lang umanong 50 porsiyentong bisa. Ito ang bakuna na planong bilhin ng Pilipinas.

Paliwanag naman ni Vergeire, pasado naman ang Sinovac sa standard ng World Health Organization kung saan nakasaad na katanggap-tanggap na ang bakunang may 50 porsiyentong bisa.

“We are trying to scope and negotiate kung ano ang acceptable kapag sinabi na 50 percent efficacy rate, kapag pumasok ito dadaan pa ‘yan sa stringent regulatory process so we will still be able to determine and ensure na ang papasok dito ay katanggap-tanggap ng ating populasyon,” paliwanag ni Vergeire.

Maliban dito, titingnan din ng gobyerno ang panganib, benepisyo at halaga ng gagamiting bakuna.

Nauna nang sinabi nina Senador Juan Miguel Zubiri at Franklin Drilon na saying lang ang pera ng taumbayan kung 50 porsiyento lang ang bisa ng bibilhing bakuna. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply