CPP-NPA, Islamic State East Asia, Maute dineklarang terorista ng ATC

CPP-NPA, Islamic State East Asia, Maute dineklarang terorista ng ATC

MANILA– Dineklara ng Anti-Terrorism Council ang ilang grupo, kabilang ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army at Islamic State in Iraq and Syria in South-East Asia, bilang mga terorista.

Ito’y matapos simulan ng konseho ang proseso ng pagtatalaga sa mga grupo o tao na maaaring ituring na terorista sa ilalim ng bagong Anti-Terrorism Act of 2020, upang ma-freeze ang kanilang mga asset.

Inilabas ang unang listahan limang buwan matapos maisabatas ang Anti-Terrorism Act of 2020 sa gitna ng pagtutol ng maraming grupo dahil baka humantong ito sa paglabag sa karapatang pantao.

Sa dalawang magkahiwalay na resolusyon na inaprubahan noong Disyembre 9, itinalaga bilang “terrorist organizations, associations, and/or groups” ang mga sumusunod:

Communist Party of the Philippines
New People’s Army / Bagong Hukbong Bayan
Islamic State in Iraq and Syria in South-East Asia
Dawlatul Islamiyah Waliyatul Masrik
Dawlatul Islamiyyah Waliyatul Mashriq
IS East Asia Division
Maute Group
Islamic State East Asia
Maute ISIS
Grupong ISIS
Grupo ISIS
Khilafah Islamiyah
KIM
Ansharul Khilafah
Bangsamoro Islamic Freedom Fighters-Bungos
Bangsamoro Islamic Freedom Fighters-Abubakar
Jama’atu al-Muhajirin wal Ansar fil Filibin
Daulah Islamiyah at
iba pang grupo na kaalyado ng Daesh sa Pilipinas.

Ang mga resolusyon ay pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea, ang chairperson ng ATC, at inaprubahan ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr., na siya namang vice chair ng ATC.

Sa ATC Resolution No. 12, ginawang batayan sa pagtatalaga sa CPP-NPA bilang teroristang grupo ang proscription case na inihain ng Department of Justice (DOJ), noong 2018 kung saan nakatala ang 649 katao bilang miyembro.

Sa nasabing resolusyon, binanggit ang 12 umano’y insidente ng pagpatay, kidnaping at arson para patunayan na gumagawa ang NPA ng terorismo sa layunin nitong patalsikin ang gobyerno.

Ang naturang deklarasyon ay itinuturing na matinding dagok sa lahat ng organisason na may kinalaman sa terorismo sa ikod ng Anti-Terrorism Law. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply