DILG bigo sa target na ‘zero firework-related injury’ sa 2020

DILG bigo sa target na ‘zero firework-related injury’ sa 2020

MANILA — Nakapagtala ang Department of the Interior and Local Government ng ilang insidente na may kinalaman sa paputok, isang linggo bago magpalit ng taon.

Nauna nang tinarget ng DILG na makamit ang “zero firecracker-related” injury ngayong  panahon ng kapaskuhan.

“Ang target po natin ay magkaroon tayo ng zero firecracker incidents. Ngunit meron na po tayong ilan na naitala as of today konti pa lang naman po ito at karamihan nasa probinsya,” wika ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya sa Laging Handa briefing.

“Konti lamang ang numero,” dagdag pa ni Malaya, ngunit hindi na nagbigay pa ng ibang detalye.

Sa kabila nito, muling nanawagan si Malaya sa publiko na makiisa sa hangarin ng pamahalaan na mabawasan ang mga insidenteng may kinalaman sa paputok.

“So sana tumulong po tayong lahat at  sana ‘wag gumamit ng illegal na fireworks,” dugtong pa ni Malaya.

Batay sa data ng Philippine National Police, may naitalang 307 insidente ng paputok sa buong bansa. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply