Jungle Fighter Ladies Club naghatid ng saya sa bahay-ampunan sa Rizal

Jungle Fighter Ladies Club naghatid ng saya sa bahay-ampunan sa Rizal

CAMP CAPINPIN, Tanay, Rizal – Naghatid ng saya ang mga miyembro ng Jungle Fighter Ladies Club ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army sa mga bata sa Rehoboth Sampaloc Ministries sa Tanay, Rizal noong Bisperas ng Pasko.

Kinukupkop ng Rehoboth Children’s Home ang 38 bata na may edad mula ilang buwan hanggang 15 taong gulang.

Upang mapanatiling buhay ang diwa ng Pasko, binisita ng JFLC ang bahay-ampunan upang magbahagi ng ligaya sa mga batang naroroon.

Nakatanggap ang mga bata ng loot bags, stuffed toys, groceries, Noche Buena packages, diapers at tubig. Nagdala rin ang JFLC ng almusal mula sa Jollibee.

Humanga naman si Lynette C Almerol, adviser ng JFLC, sa dedikasyon ng mga nagpapatakbo sa Rehoboth Children’s Home at sa patuloy na pagtulong ng mga donor upang mapanatiling bukas ang ampunan.

“You inspire us. We are elated to know that even with our short visit and simple gifts, we made the kids’ Christmas memories more special this year,” wika ni Almerol.

Ang bahay-ampunan ay nakakatanggap ng donasyon mula sa mga tao mula sa Pilipinas at ibang bansa. Subalit dahil sa pandemic, nabawasan ang natanggap nilang donasyon ngayong taon. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply