LGUs maaaring bumili ng COVID-19 vaccine para sa wala sa priority list — DILG

LGUs maaaring bumili ng COVID-19 vaccine para sa wala sa priority list — DILG

MANILA — Maaaring bumili ang local government units (LGUs) ng sarii nilang bakuna sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) para sa mga residente nilang di kabilang sa priority list, ayon sa isang opisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

“Sa usapin ng pagbili ang commitment ng national government ay makabili ng bakuna para sa mas nakakaraming Pilipino ngunit hindi ipinagbabawal ang LGUs na mag-augment nito,” wika ni Malaya

“Kung gusto pa nila ng dagdag na constituents nila na hindi priority, puwede silang bumili at i-vaccinate ang kanilang constituents,” dagdag pa niya.

Sa ngayon, ang prayoridad ng pambansang pamahalaan para sa libreng bakuna ay ang frontline health workers, senior citizens at mahihirap na Pilipino

Ayon kay Malaya, may ilang LGUs na ang naglaan ng pondo para sa pagbili ng bakuna. Aniya, papayagan ito basta’t aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) ang bibilhin nilang bakuna.

Sa ngayon, tanging AstraZeneca lang ang mayroong supply deal sa Pilipinas ngunit ito’y inisyatibo ng pribadong sektor. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply