Mayor pinasisilip ang koneksiyon ng village chief na sangkot dumano sa ‘over-charging’ burial contractors

Mayor pinasisilip ang koneksiyon ng village chief na sangkot dumano sa ‘over-charging’ burial contractors

LAPU-LAPU CITY, Cebu — Kahit mayroon nang arrest warrant, iniutos pa rin ni Lapu-Lapu City Mayor Junard “Ahong” Chan ang malalimang imbestigasyon laban kay Barangay Gun-ob chair Eleanor Fontanoza matapos tumanggap ng reklamo mula sa mga pamilyang nabiktima dimuano ng “overcharging contractors” sa loob ng pampublikong sementeryo ng siyudad.

Naglabas na si Judge Genevieve Tabada-Lawas ng Lapu-Lapu City Municipal Trial Court in Cities (MTCC) Branch 1 ng arrest warrant laban kay Fontanoza dahil sa pagsuway nito sa kautusan ng siyudad na huwag nang payagan ang libing sa pampublikong sementerto sa kanyang barangay.

Kinasuhan ng Lapu-Lapu city government si Fontanoza dahil pinayagan nitong ilibing ang parehong namatay sa ibang dahilan at mga namatay sa Covid-19 sa municipal cemetery sa Brgy. Gun-ob.

Kasama ang abogadong si Ervin Estandarte, sumuko ang kapitan sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at nagpiyansa ng P30,000 sa parehong araw.

Nahaharap siya sa kasong usurpation of authority, direct bribery at paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Nagulat naman si Estandarte na MTCC ang naglabas ng arrest warrant laban sa kanyang kliyente. Iginiit ng abogado na ang kaso ay dapat hinawakan ng Office of the Ombudsman dahil may kaugnayan ito sa kanyang trabaho bilang barangay captain.

Naniniwala si Estandarte na layon ng arrest warrant ay siraan si Fontanoza, ngunit tiwala siya na mababasura lang ang kaso. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply