7th ‘most wanted’ sa Aparri tiklo

7th ‘most wanted’ sa Aparri tiklo

TUGUEGARAO CITY — Nasakote ng mga operatiba ng Philippine National Police sa Aparri, Cagayan ang tinaguriang 7th most wanted person kasunod ng surveillance operation sa Isabela noong bisperas ng Pasko.

Tinukoy ang suspect na si Mary Grace Mabbun, 24, ng Purok 6, Barangay San Andres, Santiago City, Isabela. Naaresto si Mabbun sa bisa ng apat na warrant of arrest sa kasong theft at estafa.

Ayon kay Aparri Acting Chief of Police Jan D. Ricote, ang pag-aresto kay Mabbun ay isinagawa ng mga tauhan ng Intelligence Tracker Team ng Aparri sa pangunguna ni PLt Rogelio Cristobal Jr.

Nagsagawa ang awtoridad ng surveillance operation sa tahanan ni Mabbun na humantong sa kanyang pagkahuli.

Dinala si Mabbun sa Aparri Police Station para sa kaukulang dokumentasyon bago ihatid sa hukuman.

“The PNP is undergoing an extensive manhunt operation on all wanted individuals. We have marching orders to find, arrest and put them in jail,” giit ni Ricote. (FC/MTVN)

Leave a Reply