Task force para sa bagong COVID-19 strain planong likhain ni DU30

Task force para sa bagong COVID-19 strain planong likhain ni DU30

MANILA – Hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Health at Department of Science and Technology na bumuo ng bagong task force na tututok sa bagong coronavirus disease 2019 (COVID-19) strain na natuklasan sa United Kingdom.

“Medical, ideally, it should be medical persons na nakatutok lang talaga diyan sa bagong strain, whether or not it is here or not and whether or not it is as virulent… sabi naman ni doktora hindi masyado,” wika ni Duterte kasunod ng pulong kahapon ng IATF at medica expert sa Malacanang.

Natuklasan ang bagong uri ng COVID-19 na kumakalat ngayon sa United Kingdom na sinasabing mas nakahahawa.

Dahil dito, nagpatupad na ng travel ban ang Pilipinas at marami pang bansa sa mga biyahero mula United Kingdom.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, batay sa ebidensya ay 70 porsiyentong mas nakahahawa ang bagong strain ngunit wala pang patunay kung mas mapanganib ito kumpara sa dating COVID-19.

Ngunit igniit ng Pangulo na hindi dapat magkumpiyansa ang Pilipinas at dapat itong ituring na nakamamatay na sakit.

“Mahirap kasi kung magano tayo, whether or not itong ano na ito is as virulent or as toxic as COVID… para sa akin pareho. The contact is there, the possibility of contact is there because you have to talk to people and in the transit, a lot of locals are there working,” wika ni Duterte. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply