DOH nag-ulat ng mas mababa pang kaso ng Covid-19

DOH nag-ulat ng mas mababa pang kaso ng Covid-19

MANILA – Inanunsyo ng Department of Health na muling nakapagtala ang bansa ng kaso ng coronavirus ngayong Lunes na higit pang mas mababa kaysa noong Linggo.

Sa inilabas na datus ng ahensya dakong alas-4 ng hapon, nakapagtala lamang ang DOH ng 766 na karagdagang kaso ng COVID-19.

Samantala, mayroon namang naitalang 104 na gumaling at 15 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.8% (22,746) ang aktibong kaso, 93.2% (438,780) na ang gumaling, at 1.94% (9,124) ang namatay.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: http://www.doh.gov.ph/covid19tracker.

“We are still continuing to see a decrease in cases over the holiday season (December 24 to January 4),” wika ni DOH Usec Rosario Vergeire sa isang panayam.

“This is due to the decreased number of patients being tested as many people want to celebrate the holidays at home.”

Noong nakalipas na December 26, 2020, may 175 laboratories ang napag-submit ng kanilang reports habang walo (8) namang laboratories ang hindi nagbukas ng araw na iyon.

Sa lahat ng 175 na nagbukas na laboratories, 27 diumano ang hindi nakaranas ni isang pasyente na nagpunta habang ang iba naman ay nagsabing malaki ang nabawas sa mga kaso nila. (AI/MTVN)

Leave a Reply